Philippine Red Cross, tumulong na rin

2018-01-17 18:31:44

 

NAMIGAY na ng mga maskara ang Philippine Red Cross upang huwag makalanghap ng abo ang mga nagsilikas mula sa mga nanganganib na barangay sa paligid ng Bulkang Mayon.


Nagbigay na ng 20 karton ng mga maskara ang PRC sa may 1,800 katao sa mga bayan ng Camalig at Guinobatan.  May 2,000 maskara din ang naibigay ng PRC National Headquarters sa Maynila.


Mayroon na ring tangke ng tubig mula sa PRC sa Catanduanes at may mga trak na may pagkain ang naghihintay mula sa Pasay at Maynila upang maipadala kaagad sa Albay.


Nakaalerto na rin ang kanilang mga tauhan sa Sorsogon, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate at maging sa Albay upang makatulong sa oras ng pangangailangan.


Naitala ng Operations Center ng Philippine Red Cross na higit sa 32,000 katao na mula sa 7,888 pamilya ang lumikas mula sa Camalig, Guinobatan, Malilipot, Daraga, Tabaco City, Ligao at Legazpi City.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino