Pilipinas, ikatlo mula sa Tsina at Viet Nam

2018-01-24 17:07:54

 

LUMAGO ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagkakaroon ng 6.6 percent growth sa ika-apat na kwarter ng taong 2017 at nakamtan ang pangkalahatang 6.7 percent economic growth sa buong taon.


Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, ang manufacturing, trade at real estate, renting at buysiness activities ang nagpasigla ng ekonomiya sa ika-apat na kuwarter ng taong nakalipas.


Sinabi ni Secretary Pernia na pangatlo ang Pilipinas sa Tsina na nagkaroon ng 6.9% growth at Viet Nam na nagkamit naman ng 6.8% growth.


Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Lisa Grace S. Bersales na kabilang sa mga sektor na nagpasigla ng ekonomiya ang industria na nagkaroon ng 7.3% growth at sinundan ng services na nagtamo ng 6.8%.  Lumago rin ang sektor ng pagsasaka ng may 2.4% mula sa pagbaba mula sa 1.3% noong huling kwarter ng 2016.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino