Ambassador ng Pilipinas, pinagpapaliwanag ng Kuwait

2018-01-24 17:11:58


IPINATAWAG ng Kuwaiti foreign affairs ministry si Ambassador Renato Pedro Villa, Jr. at kinausap ni Assistant Foreign Minisgter Sami Abdulaziz Al Hamad hinggil sa desisyon ng Pilipinas na huwag magpadala ng mga manggagawa sa mayamang bansa.


Ayon sa Administrative Order No, 25 mula sa Department of Labor and Employment noong nakalipas na Biernes, suspendido muna ang pagpapadala ng mga manggagawa sa  Kuwait.  Wala munang pagpoproseso ng Overseas Employment Certificate.


Walang anumang gagawing pagpoproseso hanggang hindi natatapos ang pagsisiyasat sa pagkasawi ng pitong manggagawa sa Kuwait noong nakalipas na taon.


Sinabi ni Ambassador Villa na ang pagbabawal sa mga magtutungo sa Kuwait sa unang pagkakataon at hindi magkakaroon ng epekto sa mga nagbabakasyong manggawa o mayroong mga may kontrata.


Hindi umano makatutulong sa interes ng dalawang bansa ang suspension, ayon sa pahayag ni Deputy Foreign Minister Khalid Al-Jarallah.  Kailangang pag-usapan ng magkabilang panig ang mga isyung bumabalot sa pagkasawi ng mga manggagawang Filipino.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino