Mga progresibong mambabatas, pinag-aaralan ang reklamo laban kay Defense Secretary Lorenzana

2018-01-25 16:55:31




PINAG-AARALAN ng mga progresibong mambabatas ang pagpaparating ng reklamong katiwalian laban kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pakikialam umano sa P 15.7 bilyong frigate acquisition project ng Philippine Navy.




Ayon kay Alliance of Concerned Teachers - Teachers Party List Representative Antonio Tinio, bahagi ng pito kataong Makabayan Bloc, ginagawa na nila ang masusing pag-aaral sa posibleng usapin.




Sinabi ni G. Tinio na sinabi na ni G. Lorenzana na sinangayunan niya ang whote paper na pumapabor sa isang kumpanya mula sa Timog Korea.  Tumanggi na si Special Assistant to the President Bong Go na may kinalaman siya sa papel at sinabi na ni Secretary Lorenzana na sumangayon siya sa paniniwalang galing kay Bong Go ang dokumento.




Binanggit na ni G. Lorenzana na kumilos lamang siya sa paniniwalang galing kay G. Go ang dokumento.




Sa paniniwala ni G. Tinio, sa ginawa pa lamang ni Secretary Lorenzana ay maaari na siyang ireklamo ng graft.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino