Kabayanihan ng SAF 44, ginunita

2018-01-25 17:08:20




IDINAOS ang paggunita sa 44 na tauhan ng Special Action Force sa kanilang punong himpilan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kanina.




Naideklara na ni Pangulong Duterte ang araw na ito bilang Araw ng Paggunita sa Pagaalay ng Buhay ng 44 na tauhan ng Special Action Force na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao tatlong taon na ang nakalilipas.




Namuno sa paggunita si Deputy Director General Archie Francisco Gamboa, ang chief ng directorial staff bilang kinatawan ni Director General Ronald Dela Rosa.




Punong-abala ang katatalagang director ng SAF, si Police Director Noli Taliño sa okasyon.  Nag-alay din ng bulaklak si Director Oscar Albayalde sa memorial ng SAF 44.




Napaslang ang 44 na tauhan ng pulisya sa pagsalakay sa kuta ng isang terorista sa Mamasapano.  Napaslang nila ang Malaysian national na si Zulkipli Bin Hir alias Marwan, isang kinikilalang terorista.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino