Dalawang pulis na akusado sa pagpaslang, ipinadarakip na

2018-01-25 17:10:01




NAGLABAS na si Judge Georgina D. Hidalgo, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 122 sa Caloocan City ng kaukulang Arrest Order upang dakpin sina PO1 Jeffrey S. Perez at Ricky E. Arquilita na nasa Holding Unit ng pulisya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.




Akusado ang dalawang pulis sa kasong pagpatay sa mga menor de edad na kinilalang sina Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman noong nakalipas na taon.




Akusado rin ang dalawang pulis sa paggamit ng torture at iba pang 'di makataong pagtrato at pagpaparusa sa mga pinaghihinalaan, pagtatanim ng ebidensya na saklaw ng Comprehensive Dangverous Drugs Act of 2002.




Hindi pinayagang magpiyansa ang dalawang akusado.  Ang Public Attorney's Office sa ilalim ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta ang kumakatawan sa mga pamilya ng mga napaslang.




Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino