Communications Secretary Andanar, tumangging kinakatawan ng social media posts ni Mocha Uson ang buong makinarya

2018-01-31 15:23:51

Communications Secretary Andanar, tumangging kinakatawan ng social media posts ni Mocha Uson ang buong makinarya


   

SENADOR GRACE POE, ITINULOY ANG IMBESTIGASYON S FAKE NEWS.  Makikita sa larawan si Senador Grace Poe (gitna) na namumuno sa pagdinig sa isyu ng fake news.  Kasama niye sina Senador Benigno Paolo Aquino IV at Senador Manny Pacquiao.  (Senate Photo ni Alexis Nueva Espana)


SINABI ni Communications Secretary Martin Andanar na 'di makatarungang husgahan ang buong communications machinery ng pamahalaan sa mga social media post ng kontrobersyal na Assistant Secretary na si Mocha Uson.


Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate public informtion committee hinggil sa fake news, sinabi ni G. Andanar na ang Facebook account ni Mocha Uson ay 'di kumakatawan sa Presidential Communications Operations Office.


Sinabihan na raw umano ni G. Andanar si Mocha Uson na ang anuman inilalagay niya sa social media ay 'di kumatawan sa PCOO.  Inanyayahan din si Bb. Uson sa pagdinig subalit 'di sumipot sapagkat may nauna umanong appointment.


Sinabi naman ni Senador Paolo Benigno Aquino IV na sa katotohanan ang mga inilalagay ni Uson sa social media ay kumakatawan sa buong PCOO.


Ayon kay Senador Aquino, sa pagkakaroon ng higit sa 1,000 kawani, maaayos pa rin ang problema.  Inamin ni G. Andanar na ilang ulit na niyang ipinatawag si Bb. Uson kaya't inalis na niya ang ilan niyang postings. Sinabi rin ni G. Andanar na hindi niya mapagbabawalan si Bb. Uson sa kanyang paglalalagay sa social media sapagkat mayroon siyang kalayaang magsabi ng kanyang paniniwala.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino