Dating Customs Commissioner Faeldon, dinala na sa Pasay City Jail

2018-01-31 15:30:45

 

INILIPAT na ng piitan si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa Pasay City jail matapos tumangging makiisa sa imbestigasyon hinggil sa tara system sa Bureau of Customs.


Nakasuot ng t-shirt na may markang “Truth is Justice” ng bumaba sa van na naghatid sa kanya sa bagong piitan.


Umalis sa Senado ang mga sasakyang kinalululanan ni Faeldon mga 11:40 at dumating sa Pasay City jail bago nagtanghalian.  Nilagdaan ni Senate President Aquilino Pimentel III ang commitment order.  Si Faeldon ay hinirang na ni Pangulong Duterte na deputy administrator ng Office of Civil Defense ng makasagutan pa si Senador Richard Gordon kahapon.  Maanghang ang mga salita ni Faeldon na kinilalang pambabastos ng mga Senador.  Mula pa noong Setyembre nakabimbin si Faeldon sa Senado matapos ma-contempt sa pagtangging magsalita sa Senado. 



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino