Dating mambabatas, humiling na ituloy ang impeachment laban kay Ombudsman Morales

2018-02-02 17:42:59

 

KAILANGAN umanong ituloy ang impeachment complaint laban kay Ombdusman Conchita Carpio Morales.  Ito ang hiniling ni dating Congressman Jacinto Paras matapos tumangging ipatupad ang kautusan ng pangulo laban kay Deputy Ombudsman Carandang.


Ayon kay dating Congressman Paras, nananawagan siya kay Speaker Pantaleon Alvarez na ii-endorso na ang impeachment complaint laban sa Ombdusman sa pinakamadaling panahon.


Nararapat lamang mapanagot si Ombdusman Morales sa hayagang pagtangging ipatupad ang lehitimong kautusan ng opisyal ng pamahalaan.


Magugunitang sinabi ni Ombudsman Morales na hindi niya susundin ang kautusan ng tanggapan ng pangulo ng bansa sapagkat ito'y labag sa Saligang Batas.


Ayon kay G. Paras, sila ang nag-fileng reklamo na dumaan sa due process. Inireklamo nila si G. Carandang noong ika-13 ng Oktubre 2017 sa paglabag sa mga itinatadhanang batas.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino