Pribadong kumpanya, nagdala ng relief goods sa Albay

2018-02-02 17:45:10

 

NAKARATING ang padalang relief goods ng PHAPCares, isang tanggapan sa ilalim ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines sa may 1,118 pamilya sa Bagumbayan Elementary School sa pakikipagtulungan sa Social Action Center ng Diocese of Legazpi.


Namahagi ng relief goods na nagkakahalaga ng higit sa P 200,000 ang PHAPCares at Social Action Center sa mga naninirahan sa Mabinit, Legazpi City, isang barangay na nasa six-kilometer permanent danger zone.


Kasama sa mga ipinamahagi ang bigas, sardinas, noodles at mineral water, 


Ayon kay Dennis Tuazon ng PHAPCares, simula pa lamang ito sapagkat babalik sila upang dumalo sa medical requirements ng mga evacuee.  Nakipag-usap na rin si G. Tuazon kay Dr. Antonio Ludovice, provincial health officer ng Albay upang mabatid kung saan higit na kailangan ang mga manggagamot at kanilang kasamang mga dentista.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino