Korte Suprema, kinatigan ang pagpapatalsik sa mga opisyal ng PNP

2018-02-02 17:47:17

 

KINATIGAN ng Korte Suprema ang desisyon ng Ombudsman na nagpatalsik sa matataas na opisyal ng Philippine National Police na sinasbaing sangkot sa pagbili ng segunda-manong helicopters noong 2009.


Sinabi ng Ombdusman na nakatanggap sila ng kopya ng desisyon ng Korte Suprema noong ika-15 ng Enero na sumangayon sa kanilang desisyon noong ika-30 ng Mayo 2012 na nagpapatalsik kay Police Director Leonadio Santiago, Jr. at George Piano.


Pinatalsik din sina noo'y Senior Supt. Job Nolan Antonio, Edgar Paatan, Mansue Lukban at Claudio Gaspar, Jr. kasama sina Chief Supt. Herold Ubalde at Luis Saligumba at anim na iba pa.


Pinatalsik sila ng Ombdusman noong 2012 matapos mabatid na nagkasala sila ng serious dishonesty at pagkilos na makasasama sa paglilingkod.


Bumili umano ang PNP ng mga bagong Robinson R44 Raven II light Police Operations helicopters na nagkakahalaga ng P 42.3 milyon at dalawang standard Robinson R44 Raven 1 na nagkakahalaga ng P62.7 milyon mula sa Manila Aerospeace Products Trading Corporation.  Nabatid ng Ombudsman na iisang bagong heliocpter ang dinala samantalang ang dalawang iba pa ay pag-aari umano ni dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo. Wala ring kakayahan ang kumpanya sa larangan ng teknikal at pananalapi na itinatadhana ng batas.


Akusado rin sa usapin si G.Arroyo subalit tumangging sangkot sa transaksyon at nagsabing wala siyang kasalanan sa pangyayari.  Nabatid rin na overpriced ang mga helicopter ng P34.6 milyon.


Sa pagkakatanggap ng dismissal, ipinarating ni Director Piano ang petition for review sa Court of Appeals na nagpawalang-sala sa kanya sa kasogn administratibo.  Umapela ang Ombdusman sa Korte Suprema. 


Sa desisyon, sinabi ng Korte Suprema na nagkamali ang Court of Appeals sa pagpapawalang-sala kay Director Piano sa kasong serious dishonesty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service tulad ng nabatid ng Ombdusman.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino