Liberalisation, Privitisation at Deregulation, pahirap sa mamamayan

2018-02-05 18:46:30

HINDI kailanman magaganap ang sinasabing “trickle down effect” sa larangan ng ekonomiya. Ito ang sinabi ni Bb. Mae Buenaventura, vice president ng Freedom from Debt Coalition sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kanina.

Ipinaliwanag naman ni G. Carlos Yturzaeta, isang dating opisyal ng Philippine National Oil Company at Petron na nagtagumpay ang privitization ng Petron subalit pinanatili pa rin ng Pilipinas ang nalalabing 60%.

Kahit naman nagkaroon ng deregulation, mahal pa rin ang gasolina sa Pilipinas.

Para kay Dr. Rene Ofreneo, mangilan-ngilan lamang na pamilya ang nagtatamasa sa biyaya ng kalakal sa ilalim ng privitisation at deregulation. Nakikita umano ang papel ng pamahalaan sa mga kumpanyang nasa Singapore na may kapital sa kuryente, transportasyon at iba pang mahahalagang kalakal.

Niliwanag naman ni Bb. Buenaventura na isang mahalagang commodity ang tubig na isinailalim sa privitization. Para kay G. Yturzaeta, hindi papasok ang pribadong kumpanya sa mga kalakal na ito kung walang nakikitang tubo.

Mas makabubuting maglaan ng kaukulang pagsusuri at pag-aaral ang pamahalan sa mga daang nais tahakin upang higit na umunlad ang bansa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino