Paratang ni Senador Trillanes, walang sandigan

2018-02-05 18:49:18

SINABI ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na walang dapat ikabahala sa panawagan ni Senador Antonio Trillanes IV na magsagawa ng pagsisiyasat ang Senado sa sinasabing transaksyon ng mag-amang Rodrigo at Sara Duterte. Wala umanong pruweba si Senador Trillanes, ani Secretary Roque.

Sa isang press briefing, sinabi ni Secretary Roque na walang bago sa mga paratang ng mambabatas. Lumang tugtugin at masasabing tila isang sirang plaka na lamang ang mga pahayag na ito.

Wala umanong dokumentong hawak ang senador sapagkat wala namang sertipikadong dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council o AMLC. Mali-mali ang mga dokumentong hawak ng mambabatas na kabilang sa oposisyon.

Nalulungkot umano si Mayor Sara Duterte sa mga paratang ni Senador Trillanes sapagkat wala namang patutunguhan ang mga paratang na ito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino