Filipina, nasawi sa lindol sa Taiwan

2018-02-09 17:09:22

 

NASAWI ang isang Filipinang kinilala sa pangalang Melody Castro Albano sa malakas na lindol na yumanig sa Taiwan noong Martes ng gabi.


Ayon kay G. Lito Banayo, pinuno ng MECO, natagpuan kaninang bago nagdapit-hapon ang labi ng Filipina na unang nabalitang nawawala.


Isang taga-Abulog, Cagayan ang biktima na nagtatrabaho bilang caretaker sa isang nursing home na nasa isa sa apat na gusaling napinsala ng lindol sa Hualien.


Umabot sa sampu ang nasawi sa lindol samantalang mayroong 265 ang nasugatan at may 50 nawawala.  Mayroong 100,000 mga Filipino sa iba't ibang bahagi ng Taiwan.





Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino