Abu Sayyaf, may hawak pa ring 11 hostages

2018-02-19 19:26:27 CRI

HAWAK pa rin ng Abu Sayyaf ang 11 bihag kahit pa lumiliit na lang ang bilang nila.

Ito ang sinabi ni Task Force Sulu commander Brigadier General Cirilito Sobejana.

Mayroon na lamang 400 kasapi ang grupo matapos sumuko ang ilang mga kasapi nito. Mayroong 10 batalyon at mga tauhan ng 5th Scout Ranger Company na mula sa Marawi City at Zamboanga del Sur ang nakatalaga sa Sulu upang magpatuloy ng operasyon laban sa mga armado.

Mahirap magbigay ng tayang panahon kung kailan masusupil ang grupo, dagdag pa ni General Sobejana na isang Medal of Valor awardee ilang taon na ang nakalilipas.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino