Abogado ng isang sinasabing drug lord, binaril, patay

2018-02-19 19:21:49 CRI

NAPASLANG si Ronda vice mayor Jonah John Ungab matapos tambangan ng mga 'di kilalang armado sa Cebu City bago sumapit ang katanghalian kanina.

Si Ungab ang abogado ng pinaghihinalaang drug lord na si Kerwin Espinosa. Dalawang ulit siyang binaril sa ulo.

Naganap ang pananambang sa labas ng isang hotel sa North Reclamation Area bago sumapit ang ikalabing-dalawa ng tanghali.

Kadadalo pa lamang ni Atty. Ungab sa pagdinig ng usaping illegal possession of firearms ni Espinosa sa Cebu City Hall of Justice sa Qimonda IT Center. Kasama niya ang kanyang maybahay ng maganap ang pananambang.

Dalawang nakamotorsiklo ang namaril sa abogado. Inaalam pa ng pulisya ang detalyes sa pamamagitan ng CCTV footage upang matamo rin ang plate number ng motorsiklo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino