Pagkakaisa, susi sa kaunlaran

2018-02-23 17:17:21

 

NANINIWALA si dating Pangulong Fidel V. Ramos na kailangang magkaisa ang mga Filipino at itabi ang mga 'di pagkakaunawaan tulad ng mga naganap noong 1986 na nagsama-sama ang mga Filipino sa EdSA.


Binanggit ni Pangulong Ramos ang mga 'di pagkakaunawaang nagaganap sa bansa tulad ng pagpapatalsik kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, ang 'di pagkakasundo nina Pangulong Duterte at ng kanyang liderato kay Ombudsman Conchita Carpio Morales at ang mga isyung may kinalaman sa mga pumupunang mamamahayag.


Naiiwan na umano ang Pilipinas na dapat ay na sa ikalimang puwesto na sa mga bansa sa rehiyon.


Kailangang magkaisa ang mga mamamayan upang umunlad ang Pilipinas, dagdag pa ni G. Ramos.  Noon umanong EDSA 1, nagkaisa ang mga mamamayan, mula sa mga kawal, sa mga sibilyan, mga mamamayan ng iba't ibang rehiyon at naganap ang people empowerment.


Ang pagbabalik sa demokrasya ng Pilipinas matapos ang diktadura ni Marcos ang magandang ambag ng bansa sa daigdig. 


Sa isang pagpupulong sa University of the Philippines kanina, nanawagan si G. Ramos sa mga kabataan  na patibayin at patatagin ang demokrasya sa bansa na naibalik may 32 taon na ang nakalilipas.


Gugunitain sa Linggo ang ika-32 anibersayo ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay Pangulong Ferdinand E. marcos


Sa pagtitipon sa University of the Philippines, nanawagan naman si Vice President for Academic Affairs Cynthia Rose Bautista sa madla na pag-aralang muli ang pagpapahala sa demokrasya.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino