Isyu ng bigas, pag-uusapan bukas

2018-02-27 19:17:14

 

IBAYONG talakayan ang magaganap sa Wednesday Roundtable @ Lido tungkol sa bigas.  Dadalo at maghahayag ng mahahalagang impormasyon sina G. Herculano Co, pangulo ng PHILCONGRAINS, Director Rex Estoperez, tagapagsalita ng National Food Authority, Miriam Layaoen, isang dalubhasa sa industriya ng bigas sa larangan ng Socio Economics Division ng Philippine Rice Research Institute at dating Agrarian Reform Secretary Ka Paeng Mariano. 


Hinggil sa consumer protection, dadalo rin si Atty. Victorio Mario Dimagiba na isang dating opisyal ng Department of Trade and Industry.


Kabilang sa pag-uusapan ang sistema ng pagtatanim ng palay at kung nababawasang tuluyan ang lupaing natatamnan ng palay.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino