Foreign exchange center, ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas

2018-03-01 18:49:49

KANSELADO na ang Certificate of Registration bilang foreign exchange dealer at money changer ng PCO Foreign Exchange Center. Ayon sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas, lumabag ang bahay kalakal sa dalawang sekyson ng Manual of Regulations for Non-Bank Financial Institutions na kinabibilangan ng paglabag sa Deed of Undertaking sa pagsunod sa lahat ng regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nilabag din ang alituntunin ng Bangko Sentral sa pagrerehistro at operasyon ng money service business, hindi pagsunod sa Anti-Money Laundering Act at mga regulasyon. Hindi rin sila nakapagbalita sa Bangko Sentral ng kanilang paglilipat ng bahay kalakal at pagnenegosyo ng wala sa kanilang rehistradong pook ng kalakal.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino