Walang puwesto para kay Vice President Leni Robredo

2018-03-04 17:50:47

 

SINABI ng Malacanang na samantalang ipinagpapasalamat nila ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na handa siyang makiisa at sumama sa administrasyon, walang puwesto para sa kanya.


Sa isang press briefing sa Tarlac, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala siyang nababatid na balak ang Palasyo na bigyan ng posisyon si Vice President Robredo.


Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Vice President Robredo na handa siyang tumanggap ng posisyon sa Duterte administration kung sakaling alukin siya ng pamahalaan.


Taliwas ang pananaw nina Pangulong Duterte at Pangalawang Pangulong Robredo sa kampanya laban sa droga at maging sa human rights.


Naglingkod na si Gng. Robredo bilang Chairperson ng Housing Urban Development and Coordinating Council mula noong ika-apat ng Hulyo 2016 subalit hindi na siya pinayagang dumalo sa cabinet meetings mula ng buwan ng Disyembre ng 2016.






Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino