Trade Secretary Lopez at Ambassador Zhao, magsasalita sa China International Import Expo

2018-03-13 10:59:44

DADALO sina Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez at Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua sa idaraos na China International Import Expo sa Fairmont Hotel sa darating na Huwebes, ika-15 ng Marso.

Kabilang sa mga pag-uusapan ang mga regulasyon ng Tsina sa importasyon samantalang mahalagang paksa din ang tatalakayin ni Senen M. Perlada, director ng Export Marketing Bureau sa paksang Philippines-China Trade Relations.

Magsasalita rin si Glenn Penaranda, commercial counsellor ng Philippine Trade and Investment Center sa Beijing at si G. Deng Jun, ang country head ng Bank of China.

Nakatakda ring magkaroon ng One-on-One consultation sa pagitan ng mga mangangalakal na Tsino at Filipino.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino