Kahilingan ni dating Makati Mayor Jejomar Binay, Jr. sa Sandiganbayan, ibinasura

2018-03-15 17:52:46

 

TUMANGGI ang Sandiganbayan sa panibagong kahiulingan ni dating Makati City Mayor Junjun Binay na pawalang-saysay ang kasong katiwalian at pagpapalsipika ng mga dokumento.


Sa 25-pahinang resolusyon na may petsang ika-12 ng Marso, sinabi ng Third Division na tinanggihan nila ang kahilingan ng nakababatang Binay sa kawalan ng kabuluhan at nanawagan sa akusadong patunayan ang kanyang kawalang-sala sa pagdinig sa hukuman.


Nakipagsabwatan umano ang nakababatang Binay sa ibang mga opisyal ng Makati City at gumawa ng mga affidavit of publication hinggil sa pagsusubasta ng Phases IV at V ng Makati City Hall Building II mula 2011 hanggang 2013.  Pinalabas nilang nalathala sa Balita at Metro Profile ang anunsyo samantalang wala namang naganap na paglilimbag.


Iginawad ang kontrata sa Hilmarc Construction Coroporation kahit walang paanyaya na magpakita ng eligibility at kakayahang lumahok sa subasta at kawalan ng public bidding.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino