Governor Imee Marcos, nagparamdam na tatakbo para sa Senado

2018-03-16 17:07:39

Governor Imee Marcos, nagparamdam na tatakbo para sa Senado

GOVERNOR IMEE MARCOS, TATAKBO PARA SA SENADO.  May posibilidad na tumakbo sa pagkasenador si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa 2019.  Siya ang panganay na ana ni dating Pangulong Ferdinand at Imelda Marcos.  (Melo M. Acuna)

 

SINABI ng panganay na anak ni yumaong Pangulong Ferdinand Edralin Marcos, si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na posible siyang tumakbo pagka-Senador sa darating na 2019.


Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag at mga public relations practitioners sa EdSA Plaza Shangri-La, sinabi ni Bb. Marcos na susuportahan niya si Pangulong Duterte sa kanyang programang magpapatayo ng mga pagawaing-bayan tulad ng mga tulay at lansangan.  Idinagdag ng gobernador ng Ilocos Norte na nararapat magkaroon ng malalaking investments sa larangan ng transportasyon at komunikasyon upang matiyak ang pag-unlad ng bansa.


Niliwanag niyang posibleng magmula ang mga kailangang kagamitan sa pagpapatayo ng mga pagawaing-bayan mula sa ibang bansa sapagkat mahigpit na ipinagbabawal sa kanyang lalawigan ang pagkuha ng itim na buhangin mula sa baybay dagat sapagkat masisira ang kanilang likas na yaman.  Malaki ang posibilidad na angkatin na lamang ang mga aggregates at bakal na gagamitin sa mga tulay at lansangan.


Idinagdag pa niyang nararapat dagdagan ang P 200.00 panukalang ibibigay sa mga mahihirap bilang unconditional cash transfer upang maibsan ang hirap ng mga mamamayan sa pagkakaroon ng bisa ng TRAIN.


Sang-ayon siya sa ginawang pagbabago ni Pangulong Duterte sa pakikipag-relasyon sa Tsina.  Ani Bb. Marcos, mga magulang niya ang nagsimulang magpatatag ng relasyong diplomatika sa bansang pinamumunuan noon ni Mao Zedong noong 1975.


Ani Bb. Marcos, ang mga Tsino ay matagal nang kaibigan ng mga Filipino sa daigdig ng kalakal mga ilang daang taon na ang nakalilipas.  Wala umano sa kasaysayan ng dalawang bansa na nagtangkang manakop ang mga Tsino sa Pilipinas.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino