Secretary Roque, nagsabing interesado siyang kumandidato sa pagka-senador

2018-03-16 19:03:49

NAIS ni Presidential Spokesman Harry Roque na tumakbo bilang senador sa susunod na halalan subalit wala umano siyang kakayahan.

Nalulungkot umano siya at nagkataong nangangailangan ng P 500 milyon upang makakandidato.

Naunang binanggit ni Secretary Martin Andanar na sinusuportahan ni Pangulong Duterte ang posibleng pagkandidato ni Secretary Roque, ang kanyang political adviser na si Francis Tolentino at ang kanyang special assistant na si Christopher “Bong” Go.

Kahit pa nagpapasalamat si Secretary Roque sa suporta ni Pangulong Duterte, nahaharap siya sa realidad na kailangan ng salapi upang magwagi sa halalan. Hindi umano niya inakalang mahihirang na tagapagsalita ng pangulo kasabay ng pangtangging ginagamit niya ang pres briefings sa labas ng Metro Manila upang palakasin ang kanyang tsansang maging senador.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino