Mga manggagawa, umaasang malalagdaan ang executive order sa ENDO

2018-03-20 10:17:33

MAY pag-asa pa ang mga manggagawa, partikular ang mga kabilang sa Federation of Free Workers, Trade Union Congress of the Philippines, Kilusang Mayo Uno at iba pa na patotohanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangakong wawakasan ang kontratualisasyon ng mga manggagawa, tulad ng pagkakaroon ng tiglilimang buwang trabaho ng mga kawani sa iba't ibang kumpanya.

Ito ang sinabi ni Atty. Allan Montaño, tagapagsalita ng mga manggagawa sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kanina. Hindi pa naman natatapos ang buwan ng Marso kaya't malaki ang posibilidad na malagdaan ni Pangulong Duterte ang executive order na napagkasunduan ng mga manggagawa at Department of Labor and Employment sa ilalim ni Secretary Silvestre Bello III.

Sa panig ni Undersecretary for Labor Relations Joel Maglunsod, sinabi niyang magkakaroon ng hanggang sa Miyerkoles santo upang matapos ang pinakaaabangang executive order ng mga manggagawa.

Maliwanag umano ang pangako ni Pangulong Duterte na wawakasan ang kontrakuwalisasyon sa pinakamadaling panahon.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino