Justice Secretary Aguirre, nagsabing may pulong na naganap sa Malacanang kasama ang abogado ni Gng. Janet Lim Napoles

2018-03-21 17:41:12

 

KUMPIRMADO ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nakausap nila ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang abogado ni Janet Lim Napoles sa Malacanang sanhi ng kanyang pagkakatanggap na pansamantala sa witness protection program.


Ginawa ni Secretary Aguirre ang pahayag matapos ibulgar ni Atty. Stephen David, abogado ng sinasabing nasa likod ng pork barrel scam, sa Sandiganbayan hinggil sa pagkakasama kay Gng. Napoles sa Witness Protection Program at sa kanyang pulong na dinaluhan sa Malacanang.


Tumanggi si Secretary Aguirre na nagbigay sila ng payong legal.  Inakala umano ni Atty. David na sapagkat saklaw ng Tanggapan ng Pangulo ang Department of Justice, maaari siyang umapela sa Tanggapan ni Executive Secretary Medialdea.


Nahaharap sa sangkaterbang kaso si Gng. Napoles tulad ng plunder at graft sa Sandiganbayan dahil sa paggamit ng non-government organizations upang makatanggap ng milyun-milyong piso mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang mga mambabatas kapalit ng mga palsipikadong proyekto.




Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino