PISTON, pinuna ang Malacanang sa pagsuspinde ng klase.

2018-03-21 17:42:58

 

MARIING pinuna ng PISTON, samahan ng mga progresibong tsuper ng jeepney ang Malacanang sa pagsuspinde ng klase dahil umano sa napipintong welga ng mga tsuper.


Sinabi ni G. George San Mateo na iisang araw lamang ang kanilang pagkilos.  Wala silang nadeklarang isang linggong pagkilos.  Sa panayam, sinabi ni San Mateo na sa kanilang ginawang tigil-pasada kahapon, naroon ang MMDA, mga pulis, mga opisyal ng LTFRB at si Quezon City Police District Director Guillermo Eleazar.  Batid umano ng pulisya na iisang araw lamang ang kanilang pagkilos.


Malisyoso umano ang Malacanang sa desisyong kanselahin ang klase.  Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may utos si Pangulong Duterte na kanselahin ang klase sa oras na lumabas na may bantang pagtitigil-pasada ng mga tsuper ng jeep.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino