Hinirang na kalihim ng agrarian reform, nabimbin sa Commission on Appointments

2018-03-22 16:51:28

 

HINDI nakapasa sa Commission on Appointments si Agrarian Reform Secretary-Designate John Rualo Castriciones matapos magtanong ang mga mambabatas tungkol sa kanyang karanasan at kakayahan.


Sinabi ni Senador Grace Poe na “bypassed” ang appointee.  Sa ikalawang pagkakataon, tinanong siya sa kanyang karanasan sa larangan ng repormang agraryo.  Ang isa sa mga nagtanong ay si Senador Risa Hontiveros.


Ipinagtanong din ni Senador JV Ejercito kung ano ang kanyang kinalaman sa pagpapatalsik sa dating Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno.  Tumanggi naman si Castriciones na may kinalaman siya sa naganap na pagkakasibak.


Sa naunang pagdinig, sinabi ni Akbayan Representative Tomas Villarin na walang sapat na pagsasanay si G. Castriciones sa larangan ng repormang agraryo.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino