Napaslang na drug suspects sa Bulacan umabot sa 13

2018-03-22 18:13:41

 

MAY 13 mga pinaghihinalaang sangkot sa droga ang napaslang sa hiwa-hiwalay na police operations sa lalawigan ng Bulacan samantalang higit sa 100 ang nadakip sa buong maghapon kahapon.


Ibinalita ni Sr. Supt. Romeo Caramat, Bulacan Police Director, na nagkaroon ng may 60 buy-bust operations sa siyam na bayan ng lalawigan.


Magugunitang nagkaroon ng 32 napaslang sa loob ng magdamag noong Agosto samantalang may sampu na naman ang napaslang noong nakalipas na Pebrero sa serye ng anti-drugs operations.


Bahagi lamang umano ito ng kanilang walang-humpay na kampanya laban sa mga pinaghihinalaang sangkot sa ilegal drugs.  Nagpaputok umano ang lahat ng mga sangkot sa illegal drugs kaya't nauwi sa barilan ang mga operasyon.


Iginiit ni Sr. Supt. Caramat na ipinagtanggol lamang ng kanyang  mga pulis ang kanilang mga sarili sa kamay ng mga kriminal. 


Higit sa 100 ang nadakip samantalang 19 na sandata ang kanilang nasamsam kasama ng may 250 pakete ng pinaghihinalaang droga ang nasa pag-iingat na ng mga autoridad.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino