Pinuno ng PAGCOR, nagdadalamhati sa pagkasawi ng mga kawani

2018-03-22 18:19:27

 

IKINALUNGKOT ni Chairperson Andrea D. Domingo ang pagkasawi ng anim kawani ng PAGCOR sa sunog sa Manila Pavilion Hotel noong Linggo.  Sa kanyang talumpati sa Second ASEAN Gaming Summit, sinabi niyang lubhang mahirap ang kanilang pinag-daanan matapos tumama na naman ang panibagong trahedya.


Sa kanya umanong paglilingkod sa pamahalaan sa higit sa 50 taon, ito ang pinakamahirap sapagkat hindi basta makipag-usap sa mga pamilya ng mga nasawi.


Hindi lamang umano tanggapan ang PAGCOR kungdi isang pamilya lalo pa't nasawi ang mga biktima sa pagtatangkang maisara ang kaha na naglalaman ng salapi ng casino.  Sa kanilang pagsasara ng kaha, nakubkob na sila ng makapal na usok.


Nakapaglabas ng pangunang tulong na nagkakahalaga ng P450,000 sa bawat kawaning nasawi at magkakaroon pa ng karagdagang halaga sa kanilang longevity pay at provident fund.


Samantala, magkakaroon ng pagpapatigil na pansamantala sa paglalabas ng lisensya sa integrated resort casinos.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino