P 50 milyong shabu, nasamsam sa buy-bust operation

2018-03-23 18:33:54

 

NASAMSAM ng pinagsanib na lakas ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP-Drug Enforcement Group ang may P 50 milyon halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa isang shopping mall sa Ayala Alabang, Muntinlupa City kanina.


Nadakip sina Norodian Guimadel Samplidan, 28, Lady Jane Flores Borja, 24 at isang Regina Inocencia San Miguel, 40 taong tulang.


Limang pakete ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na sampung kilo at nagkakahalaga ng P 50 milyon ang natagpuan ng mga autoridad.  Ginawa ang operasyon kaninang katanghalian sa Parking 5 ng Alabang Town Center sa Ayala Alabang.


Inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa tatlong pinaghihinalaan.




Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino