Pulis sa Metro Manila, naka-alerto ngayong Semana Santa

2018-03-28 17:02:02

 

NASASAKLAW ng full alert status ang National Capital Region Police Office at nagpakalat ng halos 12,000 mga tauhan sa Metro Manila upang tumugon sa anumang problema o banta ngayong Semana Santa.


Pinababantayan ni Police Director Oscar Albayalde, director ng NCRPO ang mga pook na pinag-iipunan ng mga mamamayan tulad ng mga simbahan at bahay-dalanginan, mga terminal ng bus at maging mga daan patungo sa mga paliparan at daungan.


Mayroon ding halos 25,000 mga tauhan ng iba't ibang barangay sa Metro Manila na tutulong sa pulisya sa kanilang pagbabantay.


Ipagpapatuloy pa rin ang mga operasyon laban sa illegal drugs at kriminalidad.  Kailangang magkaroon ng sapat na tauhan sa mga Police Assistance Desks.


Bagaman at walang nakikitang direktang banta sa madla ngayong Semana Santa, binanggit ni Director Albayalde na tutugon ang kanyang mga tauhan sa buong Metro Manila.




Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino