Chief Justice Sereno, haharap sa pagdinig

2018-04-04 18:33:53

 


 

 

 

 

PERSONAL na haharap sa Korte Suprema si Chief Justice on leave Ma. Lourdes Sereno upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida.


Ito ang sinabi ni Atty. Jose Deinla, isa sa mga tagapagsalita ni Chief Justice Sereno.  Samantalang naniniwala ang chief justice na ang quo warranto petition ay walang kasaysayan at nararapat tanggihan, handa si Chief Justice Sereno sa oral arguments upang ipagtanggol ang kanyang sarili.


Pinagbigyan ng Supreme Court en banc ang kahilingan ni Sereno na magkaroon ng oral arguments sa petisyon ni Atty. Calida.


Magaganap ang personal appearance ni Atty. Sereno sa darating na Martes, ika-sampu ng Abril sa Baguio City.

CHIEF JUSTICE SERENO, HAHARAP SA HUKUMAN.  Tiniyak ni Chief Justice On Leave Ma. Lourdes Sereno (dulong kanan) na haharap siya sa Korte Suprema upang upagtanggol ang kanyang sarili sa Martes, ikasampu ng Abril sa Baguio City.  (File Photo/Melo Acuna)


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino