Kahirapan, nagiging dahilan ng paglaganap ng droga

2018-04-04 18:38:33

Kahirapan, nagiging dahilan ng paglaganap ng droga


TULOY ANG KAMPANYA LABAN SA DROGA.  Sinabi ni Director Derrick Arnold Carreon, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) (kaliwa) na tuloy ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga.  May mga pagkakataon na hinahaluan na ng iba't ibang kemikal ang ipinagbibiling shabu ngayon.  Nasa larawan din si UP Executive Director Ted Herbosa (kanan).  (Melo Acuna)

 

Kahirapan, nagiging dahilan ng paglaganap ng droga


 MALAKI RIN ANG KONTRIBUSYON NG SIMBAHAN.  Ayon kay Dr. Marissa Isabedra ng Caloocan City Health Office, tumatalab ang community-based rehabilitation sapagkat nagtutulungan ang pamahalaan, pribadopng sektor at maging Simbahan.  Nakatulong din ang Diocese of Kalookan sa pamamagitan ng pagkain sa mga sumasailalim sa rehabilitasyon, puhunan sa hanapbuhay at moral at spiritual guidance.  (Melo Acuna)



SA likod ng mga pahayag ng pamahalaang umuunlad ang ekonomiya ng bansa, lumalabas na kahirapan ang nag-uudyok sa mga mamamayang magtulak ng droga upang mabuhay.


Ito ang lumabas sa katatapos na Wednesday Roundtable @ Lido na dinaluhan ng mga kinatawan ng City Anti-Drug Abuse Council, Philippine Drug Enforcement Agency at maging sa University of the Philippines.


Sinabi ni Bb. Evangelyn Ternate, psychometrician sa City Anti-Drug Abuse Council na may tatlumpung porsiyento ng mga nasasangkot sa illegal drugs ay mula sa mga pamilyang may problema.  Karamihan sa kanilang mga kliyente ay mga mahihirap, mula sa pagiging tsuper ng jeep, bus, tricycle at padyak.  May mga nagbabasahan din at may mga nangangalakal ng recyclables.


Ayon ky kay Dr. Marissa Isabedra, assistant city health officer, tumatalab ang community-based rehabilitation sapagkat sangkot ang lahat ng sektor sa barangay,  Idinagdag niyang nagtutulungan ang pamahalaang lokal, pulisya at maging simbahan.  Malaki ang tulong ng Diocese of Kalookan sa kanilang proyekto sa Caloocan bukod sa pagkain, salapi at pagkakakitaan ng mga nagbabagong buhay.


Sinabi naman ni Director Derrick Arnold Carreon ng Philippine Drug Enforcement Agency na umabot na sa higit sa 90,000 anti-drug operations sa buong bansa mula noong unang araw ng Hulyo 2016 hanggang noong nakalipas na ika-20 ng Marso ng 2018.


Nadakip nila ang may 123,648 na taong nadakip samantalang nagkaroon ng 4,075 ang napaslang sa isinagawang anti-drug operations.


Nakarating na rin sa mga taga-usig ang 24,157 usapin samantalang may 46,014 na kaso ang nasa iba't ibang hukuman.


Sa panig ni Dr. Ted Herbosa, executive vice president ng University of the Philippines at dating undersecretary ng Department of Health, makabubuting bigyang-pansin ng mga mamamahayag ang mga tagumpay na nakakamtan sa mga programang nasa iba't ibang komunidad.


Maliban umano sa mga pagpatay, nararapat ding makita ang mga nagagawa ng rehabilitation entities sa iba't ibang komunidad.  Mahalaga ito sapagkat makatatawag ito ng pansin ng madla upang higit na dumami ang mga sasailalim sa rehabilitation.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino