Justice Secretary Aguirre, nagbitiw

2018-04-06 17:43:37

IBINALITA ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbitiw na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na matagal na binabatikos sa pagpapawalang-sala sa mga sinasabing drug personalities sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, tinanggap na niya ang pagbibitiw ni Secretary Aguirre at naghahanap na siya ng kapalit.

Binanggit ni Pangulong Duterte noon pa man ang kanyang pagkagalit sa pagpapawalang-sala ng state prosecutors sa reklamo ng pulisya laban sa pinaghihinalaang drug lord na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim at mga kasama.

Naunang binanggit ni Pangulong Duterte kay Secretary Aguirre na siyang ipapalit sa mga akusado kung makalulusot sa paglilitis.

Maraming mamamayan ang nagalit sa pagpapawalang-saysay sa usapin.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino