Bagong PNO chief, kinilala na

2018-04-06 17:45:56

HINIRANG ni Pangulong Duterte si National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde bilang kapalit ni PNP Director General Ronald M. Dela Rosa. Ito ang kanyang binanggit sa isang okasyon sa Malacanang kanina.

Nakatakdang umalis si General dela Rosa sa kanyang puesto noong ika-21 ng Enero pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan subalit binigyan pa siya ng ilang buwan ni Pangulong Duterte.

Hinirang na rin si Dela Rosa bilang Director ng Bureau of Corrections na nagpapatakbo ng mga piitan sa iba't ibang bahagi ng bansa. Sinasabing 75% ng mga transaksyon sa illegal na droga ang nagaganap sa loob ng piitan.

Kapwa kabilang sina Director Albayalde at Director General Dela Rosa sa PMA Class Sinagtala of 1986.

Naglingkod si G. Albayalde bilang provincial police director sa Pampanga bago nahirang na director ng National Capital Region Police Office.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino