Bagong Kalihim ng Katarungan, kinilala

2018-04-06 18:23:11

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahihirang at kapapanumpa pa lamang na Kalihim ng Katarungan na si Menardo Guevarra na gawin ang marapat.

Ito umano ang utos ni Pangulong Duterte sa kanya. Kailangan lamang umanong ibalik ang kagalang-galang na imahen ng Kagawaran ng Katarungan. Nagpasalamat din siya sa pangulo sa pagkakahirang sa kanya. Ang Department of Justice ang may hurisdiksyon sa National Prosecution Service, Bureau of Immigration, Bureau of Corrections, Public Attorney's Office at National Bureau of Investigation.

Kahit bibihira umano silang magkita ng pangulo, pinagtiwalaan siya sa isang malaking kagawaran. Hindi pa niya matiyak kung kailan siya magtutungo sa Department of Justice sapagkat tinatapos pa niya ang kanyang gawain sa Office of the Executive Secretary.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino