Pagbimbin kina Argosino, Robles at Sombero, tinanggihan ng Philippine National Police

2018-04-13 18:57:42

 

TINANGGIHAN ng Philippine National Police na mabimbin sa PNP Custodial Center ang napatalsik na deputy immigration commissioners Al Argosino at Michael Robles at retiradong police officer na si Wally Sombero sa punong-punong piitan.


Napapaloob sa walong pahinang tugon ni Chief Inspector Romulo Flores II sa kahilingan ng tatlo na ilipat na lamang ang tatlo sa Camp Bagong Diwa ang siyang magpapasama sa imahen ng Bureau of Jail Management and Penology.


Ayon kay Flores, ang BJMP lamang ang ahensyang may obligasyong tanggapin sina Argosino, Robles at Sombero.  Hindi binuo ang PNP Custodial Center upang paglagakan ng detention prisoners.


Nanganganib umano sina Argosino, Robles at Sombero sa BJMP detention facility sa Camp Bagong Diwa kaya humiling na sa PNP Custodial Center na lamang manirahan.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino