Tatlong mahahalagang programang pangkaunlaran, inihanda na

2018-04-13 18:59:31

 

MAYROONG tatlong malalaki at mahahalagang proyektong magpapaunlad sa Gitna at Hilagang Luzon.  Ito ang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang press conference bilang paghahanda sa ika-51 Annual Governors' Meeting ng Asian Development Bank na nakatakdang simulan sa unang linggo ng Mayo.


Sa isang press briefing sa ASEAN Convention Center sa Clark Freeport Zone, malaki ang ilalabas na kapital ng pamahalaan upang maging major alternative growth areas.


Ang mga proyektong ito ay nakapasa na sa pagsusuri ng National Economic and Development Authority.


Kabilang sa mga proyekto ang P4.37 bilyong Chico River Pump Irrigation Project na magpapatubig sa 8,700 ektarya ng mga sakahan na pakikinabangan ng 4,350 magsasaka sa 21 mga barangay sa mga lalawigan ng Cagayan at Kalinga.


Kasama rin ang P 211 bilyong Philippine National Railways North 2 Project na magiging koneskyon ng Malolos sa Bulacan sa Clark International Airport at sa Clark Green City.


Mayroon ding inilaang P 12.55 bilyon para sa Clark International Airport New Terminal Building upang madagdagan ang kapasidad para sa walong milyong pasahero taun-taon.


Ani G. Dominguez, ang Clark ang magiging growth driver para sa Gitna at Hilangang Luzon.


Idaraos ang taunang pulong ng lupon ng nangangasiwa sa Asian Development Bank mula ikatlo hanggang ika-anim ng Mayo.  Mayroong 67 kasaping bnasa sa ADB.  Inaasahang magkakaroon ng 3,000 mga delegadong dadalo sa pulong kabilang ang mga ministro ng pananalapi at mga gobernador ng kani-kanilang bangko sentral, may-ari ng bangko, mga kinatawan ng pribadong sektor, civil society, academe, multilateral institutions at mga mamamahayag.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino