Balikatan, sinimulan na

2018-04-20 18:27:17

SINIMULAN na kahapon ang Balikatan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa pamamagitan ng community engagements sa iba't ibang bahagi ng Luzon.  Bahati ito ng Balikatan (BK) 2018.

 

Ayon sa Public Affairs Office ng Armed Forces of the Philippines, nagaganap ito sa pagitan ng mga kawal na Filipino at mga tauhan ng United States Pacific Command.


Bagama't pormal na magbubukas ang Balikatan sa ika-pitong araw ng Mayo 2018, tampok dito ang humanitarian civic action sa mga napiling pook sa Cagayan at sa Central Luzon.  Magtatayo din sila ng tig-dadalawang silid aralan sa limang iba't ibang pook sa Tarlac, Nueva Ecija, Cagayan at isabela.


Magkakaroon din ng libreng panggagamot at pagsasanay kasama ang mga pamahalaang lokal.


Magpapalitan sila ng impormasyon at live training events sa pagbibigay ng halaga sa magkasmang operasyon upang isulong ang pangrehiyong seguridad at pagtugon sa mga problema sa seguridad.


Nakatuon ang ika-34 na Balikatan sa Mutual defense, humanitarian assistance at disaster relief kasama na ang counter-terrorism.

 

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino