Paglilinis ng mga lansangan tuloy pa rin

2018-04-28 17:12:23

 

SUSUYURIN ng Inter-Agency Council for Traffic ang Roxas Blvd. sa paglilinis ng mga lansangan sa buong Metro Manila.  Ayon kay Undersecretary Tomas “Tim” Orbos, matapos malinis ang Baclaran, buong kahabaan ng Roxas Blvd. ang kanilang susuyurin sapagkat madalas na bumabagal ang daloy ng trapiko sa bahaging ito ng Maynila, Pasay at Paranaque.


Ani G> Orbos, ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority, LTO, LTFRB, PNP - HPG at mga pamahalaang lokal ng Pasay at Maynila ang magkakasama upang maalis ang mga bumabara sa mga lansangan.


Ang mga nagtitinda sa tabing-daan at ang mga nakaparadang sasakyan ay aalisin.  Ani G. Orbos, kailangang magtulungan ang lahat upang malinis at mapabilis ang daloy ng mga sasakyan.





Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino