Department of Public Works and Highways, magtatayo ng mga lansangan at drainage sa Boracay

2018-04-28 17:14:11

 

TATAPUSIN ng Department of Public Works and Highways ang mga kulang na bahagi ng circumferential road sa Boracay.  Magkakaroon din ng drainage system sa pook. 


Ito ang sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Aguilar Villar sa pamumuno sa DPWH maintenance team na mangangasiwa sa rehabilitation sa tulong ng DENR at Department of Tourism.


Gigibain ng kanyang tanggapan ang mga gusali sa 12 metrong road right of way ng pamahalaan.  Sila rin ang maglilinis ng mga baradong padaluyan ng tubig sa Boracay.  Tatapusin nila ito bago sumapit ang anim na buwang pagpapasara sa Boracay.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino