Director General Albayalde, nais magkaroon ng due process sa mga opisyal ng barangay

2018-05-07 18:51:56

SINABI ni PNP Director General Oscar Albayalde na bagama't suportado niya ang paglalabas ng talaan ng mga opisyal ng barangay na sangkot umano sa illegal drugs, kailangang magkaroon ng proseso upang makasagot at makapagpaliwanag ang kinauukulan.

Wala umano sa kanilang kamay ang talaan ng mga opisyal ng barangay sapagkat na sa Philippine Drug Enforcement Agency ito. Tanging ang impormasyon nila ay ang datos mula sa kanilang counter-intelligence.

Tiniyak ni General Albayalde na ang paglalabas ng talaan ay sa pamamagitan ng PDEA at Department of Interior and Local Government.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino