Opisyal sa PCOO, nagbitiw

2018-05-18 18:40:13

 

WALANG anumang labag sa batas o irregular sa paggastos para sa information campaign ng pamahalaan noong pamunuan ng Pilipinas ang Association of Southeast Asian Nations.


Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Undersecretary for Administration and Finance Noel George Puyat na walang dapat pagdudahan sa kanilang ginawa.  Ito ang kanyang tugon matapos akusahan ni Senador Antonio Trillanes IV ang PCOO ng mahiwagang paggasta para sa ASEAN.  Ani Senador Trillanes, mahiwaga ang pagasta ng P 647 milyon.


Handa umano siyang humarap sa imbestigasyon kung magkakaroon man, dagdag pa ni Undersecretary Puyat.  Inihahanda na umano ang mga dokumento at ihaharap sa Senado kung magkakaroon ng pagsisiyasat.


Wala umanong COA report na nagsasabing may anomalya.  Magkakabisa ang pagbibitiw ni USec Puyat sa Huwebes, ika-31 ng Mayo.





Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino