Witness protection kay Gng. Janette Napoles, tinanggal na

2018-05-25 17:43:34

INALIS ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang provisional coverage sa ilalim ng witness protection program ng sinasabing pork barrel scam mastermind na si Janet Lim Napoles.

Wala umanong dahilan upang patagalin pa ang coverage sa illaim ng Witness Protection Program sapagkat wala namang banta sa seguridad laban sa kanya sa loob ng Camp Bagong Diwa.

Ayon sa pahayag ng Department of Justice, dahilan sa pagtanggi sa kahilingan ni Gng. Napoles sa First, Third at Fifth Divisions ng Sandiganbayan na pinakadahilan upang masailalim ng Witness Protection Program, wala nang dahilan pa upang mabigyan pa siya ng proteksyon.

Sumailalim sa WPP si Gng. Napoles noong ika-27 ng Pebrero.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino