Sister Patricia Fox, umaasang mananatili sa bansa

2018-05-31 17:51:21

 

Sister Patricia Fox, umaasang mananatili sa bansa



UMAASA si Sr. Patricia Anne Fox ng Notre Dame of Sion na makapagpapatuloy siya sa paglilingkod sa mga mahihirap na mamamayan ng bansa, lalo't higit sa mga maralitang magsasaka, mangingisda at mga manggagawa.


Sa kanyang pagsasalita sa Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ni St. Pat na nakapaglingkod na rin siya sa mga komunidad ng halos tatlong dekada at nakikiisa na siya sa mga mahihirap na humuhiling ng mas patas na pagtrato mula sa pamahalaan.


Ani Sr. Pat, hindi naman siya nanawagang ibagsak ang pamahalaan at ang kanyang kahilingan ay maisama ang mga walang lupang magsasaka sa palatuntunan ng Comprehensive Agrarian Reform at magkaroon ng mas matatag na hanapbuhay ang mga manggagawa.  Nakikiisa lamang ang Simbahan sa kalagayan ng mga mahihirap.


Sinabi naman ni Sr. Anna Montecillo, isang madre mula sa Daughters of Saint Anne na nakapaglingkod siya ng 11 taon sa Indonesia at 'di man lamang napasailalim sa deportation proceedings o napagbantaan ng sinuman.


Naglingkod umano sila sa mga mahihirap at mga nagsilikas mula sa kaguluhan.  Naglingkod sila sa lahat, maging mga Muslim, Protestante at Katoliko.


Samantala, sinabi naman ni dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano na madalas nilang makasama si Sr. Pat sa mga fact-finding mission sa iba't ibang bahagi ng bansa upang mabunyag ang tunay na kalagayan ng mga mamamayan, partikular ng mga katutubo, magsasaka, manggagawa at maging mga mangingisda.


Naniniwala naman si dating Philippine Ambassador to The Holy See, Ambassador Jose Apolinario Lozada, Jr. na hindi makikialam ang Vaitcan sa nagaganap kay Sr. Pat sapagkat malayo ito sa isyu ng Freedom of Religion.  Ang isyu ay sa pag-itan ng Pilipinas at Australia matapos punahin ng prime minister at foreign minister ang mga nagaganap na paglabag sa Karapatang Pangtao at sa mga extra judicial killing mula ng manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.


Ani dating Ambassador Lozada, nagkataon lang na isang Australian national si Sr. Pat kaya't siya ang nadawit at napag-initan.


Ipinaliwanag naman ni Fr. Jerome Secillano na tahimik ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa isyu ni St. Pat sapagkat ipinababahala na sa Association of Major Religious Superiors in the Philippines ang pakikipagtalastasan sa iba't ibang sangay na Simbahan.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino