Bagong hirang na Kalihim ng Turismo, pasado na sa Commission on Appointments

2018-05-31 17:59:22


 



 

 

NAKALUSOT na sa Commission on Appointments si Tourism Secretary-Designate Bernadette Romulo Puyat.


Sa kanyang pagharap sa mga mambabatas, tiniyak niya na ang Turismo ang magiging daan tungo sa pagkakaroon ng mas maraming investment sa bansa.  Magkakaroon din ng dagdag na trabaho at magpapa-unlad sa bansa.


Samantalang nangako rin siya na paghuhusayin ang access, connectivity at security samantalang titiyaking magkakaroon ng mas maraming pagawaing bayan para sa Turismo.


Si Gng. Berna Puyat Romulo ang kapalit ng nagbitiw na si Wanta Tulfo Teo matapos mabunyag ang pagbabayan ng P 60 milyon sa mga patalastas na inilagay sa mga programa ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Erwin Tulfo.


BAGONG TOURISM SECRETARY, PASADO NA SA COMMISSION ON APPOINTMENTS.  Masayang nagpakuha ng larawan si Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat (pangalawa mula sa kanan) matapos makalusot sa Komisyon.  Na sa larawan din si Senate President Vicente Sotto III (giant) at Majority Leader Senator Juan Miguel Zubiri (dulling kanan). Nasa larawan din si dating Senador Alberto Romulo (ama ng kalihim) at kapatid ni Secretary Puyat na si Bb. Mons Romulo (dulong kaliwa).  (Larawan ni Cesar Tomambo ng PRIB/Senate)

Bagong hirang na Kalihim ng Turismo, pasado na sa Commission on Appointments


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino