Mahalaga ang Timog Korea sa Pilipinas

2018-06-07 18:20:58

 

NANINIWALA si Finance Secretary Carlos Dominguez III na mahalaga ang papel ng Timog Korea sa kaunlarang nagaganap sa Pilipinas na ngayon ay nababanag na sa pagpapatupad ng may US$ 170 bilyong “Build, Build, Build” program.


Sa kanyang talumpati sa harap ng mga mangangalakal na Koreano, sinabi ni G. Dominguez na ang masinop na pamamalakad ng pananalapi, pagkakaroon ng maayos na debt service load at mas malaking nalilikom na salapi ang siyang magpapaunlad sa credit ratings na bansa.  Ito rin ang magpapasigla sa agresibong programa sa mga pagawaing-bayan.


Ang papel ng South Korea sa Pilipinas ay nakikita sa tapat na pagtulong sa Build, Build, Build programs tulad ng Panguil Bay Bridge sa hilagang Mindanao at ang bagong International Container Port sa Cebu na sisimulan ngayon at magtatapos sa taong 2020.


Ang Timog Korea ang ika-anim na pinagkukunan ng official development assistance (ODA) sa pautang na umaabot sa US$ 570.6 milyon hanggang noong nakalipas na Disyembre, pinagmumulan ng pinakamaraming turista sa nakalipas na tatlong taon at ikalimang nangungunang trading partner ng bansa.


Idinagdag pa ni G. Dominguez na mayroong 1.6 milyong Koreano ang dumalaw sa Pilipinas na ika-apat na bahagi ng buong bilang ng mga turistang nakarating sa bansa.  Kinakitaan din ito ng dagdag na siyam na porsiyento sa bawat taon.  Ang bilateral trade ng dalawang bansa at umabot na sa US$ 10.61 bilyon.



Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino