Bagong paliparan sa Cebu, pinasinayaan

2018-06-08 19:24:32

 

PINAMUNUAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa bagong paliparan sa Cebu kanina.


Ayon kay Pangulong Duterte, ang Cebu International airport terminal building ang pinakamagandang terminal sa bansa ngayon.


Pinasalamatan din ni G. Duterte si Transport Secretary Arthur Tugade na siyang nag-utos na madaliin ang pagpapatayo ng terminal na nasimulan noong panahon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong 2016.


Mula sa unang araw ng Hulyo, sa terminal na ito daraan ang mga pasaherong patungo at magmumula sa iba't ibang bansa samantalang ang kasalukuyang terminal ang gagamitin ng mga domestic passengers.


May 25 international destinations na nagmumula sa Mactan Cebu International Airport  samantalang mayroon ding 30 domestic flights na nagmumula at dumarating sa paliparan.


Mayroon ding 26 na international airlines na gumagamit ng paliparan. Ang pagpapasinaya ay sinaksihan din ng mga miyembro ng gabinete, mga mambabatas, opisyal ng pamahalaang local at mga namumuno sa GMR Megawide Cebu Airport Corporation at mga kinatawan ng iba't ibang kumpanya ng eroplano.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino