Iba't ibang sektor, mananawagang ibalik ang bantayog para sa mga Comfort Women

2018-06-08 19:26:08

 

MAG-AALAY ng mga bulaklak ang mga kinatawan ng akademya, kababaihan at mga kabataan sa dating kinalalagyan ng bantayog ng comfort women sa darating na ika-siyam ng umaga sa Martes, ika-12 ng Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng ika-120 taon ng Araw ng Kalayaan.


Mananawagan ang mga namumuno sa pagtitipon na ibalik ang inalis na bantayog kasabay ng kahilingang huwag burahin sa kasaysayan ng bansa ang pang-aabuso sa mga kababaihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Mananawagan din silang kilalanin ang kalagayan ng mga Lola na naging biktima ng mga pang-aabuso.  May apat na lamang na nalalabi sa higit sa 120 mga kababaihang inabuso noong panahon ng Hapon sa Pilipinas.


Gaganapin ang pag-aalay ng bulaklak sa Roxas Blvd., malapit sa tapat ng Aloha Hotel.  Inalis ang bantayog noong nakalipas na Biyernes, ika-27 ng Abril sapagkat may nakatakdang gawing drainage o pedestrian overpass sa kinalalgyan ng bantayog.


Pinasinayaan ang bantayog noong ikawalo ng Disyembre 2017 kasabay ng paggunita sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino